EDSA People Power Revolution
EDSA People Power Revolution Ang EDSA People Power
Revolution ay isang malaking bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas dahil ito ang
nagpabagsak sa rehimeng Marcos.
Taong 1986, dalawang araw matapos ideklara ng diktador na si
Marcos na siya ang nanalo sa snap elections laban kay Corazon "Cory"
Aquino, asawa ng pinatay na si Ninoy, inanunsiyo nina noo'y Defense Secretary
Juan Ponce Enrile at noo'y AFP Vice Chief of Staff Fidel V. Ramos ang kanilang
pagtiwalag sa rehimeng Marcos.
Dumagsa ang mga tao sa kalsada, napuno ang kahabaan ng EDSA
ng mga nag- aalsang Pilipino na nananawagang magbitiw na sa puwesto si Marcos.
Hinarang nila ang mga sundalong pinadala ni Marcos, may mga lumuhod sa harap ng
mga tangke ng sundalo, at namigay ng bulaklak sa mga sundalo.
Ang rebolusyon na ito ay mapayapa at suportado ng
sambayanan.
Lumisan ang pamilya Marcos sa Malakanyang gabi noong
February 25, 1986 sakay ng helicopter ng Amerika. Doon nagtapos ang 21 taon
pamumuno ni Marcos sa Pilipinas.
Kasalukuyan
Matapos ang EDSA People Power Revolution ay itinalaga bilang
Pangulo ng Pilipinas si Cory Aquino at nagtuluy-tuloy na ang kalayaan ng
Pilipinas. Bagamat hindi na naulit ang Batas Militar, hindi ibig sabihin nito
ay nawala na ang mga katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan.
Sa ngayon, ang Pilipinas ay pinamumunuan na ni Pangulong
Rodrigo Duterte na dating alkalde ng Davao City.
Sources: Official Gazette of the Philippines, CNN
Philippines, BBC, www.philippine- history.org, California State University
Bakersfield
Ctto picture:https://chmsu.edu.ph/looking-back-at-the-1986-edsa-people-power-revolution/
Ctto Info: https://www.scribd.com/document/526571374/KASAYSAYAN-NG-PILIPINAS

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento