Ang history ng Pilipinas ay nagsimula milyon-milyong taon na ang nakalilipas. Ayon sa "Evolution Theory" ng anthropologist na si Felipe Landa Jocano, nagkaroon ng ebolusyon ang mga unang nanirahan sa Pilipinas. Cagayan Man ang pinaniniwalaang unang taong nanirahan sa bansa. 

Sa Palawan naman natagpuan ang Tabon Man na isang halimbawa ng Homo Sapiens. Isa ring teorya tungkol sa kasaysayang Pilipinas tagalog na pinagmulan ng mga Pilipino ay ang "Migration Theory".

 Ayon kay Henry Beyer, nagkaroon ng migrasyon ang mga pangkat etniko mula sa iba't ibang panig ng mundo. Ang sinaunang tao raw sa Pilipinas ay mga Negrito o Ita na bahagi ng lumang bato na mula sa Timog na dumaan sa Palawan at Borneo.

 Pangunahing kabuhayan nila ay pangangaso. Ang ikalawa raw na taong nanirahan sa Pilipinas ay mga Indones mula sa Timog-Silangang Asya. 

Sila ang pinaniniwalaang unang pangkat na gumamit ng balangay o bangkang kahoy.

 Ang mga Malay naman ang sinasabing sumunod na nanirahan sa Pilipinas.

 Gumamit sila ng balangay upang makarating sa bansa at kilala sila sa paggamit ng damit, palayok, bahay at kugon. Pananakop mg mga Espanyol Pag-usapan naman natin ang panahon ng mga espanyol na isa ring mahalagang bahagi ng history ng Pilipinas. March 16, 1521 nang dumating ang grupo ng Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan sa Pilipinas. Dumeretso sila sa Limasawa sa Island sa Leyte na pinamumunuan ni Rajah Kolambu. Nagkaroon ng magandang pag-uusap sina Magellan at Kolambu at nagkaroon pa nga ng sandugo sa pagitan nila.

 Bukod dito, nakumbinsi pa ni Magellan na sila'y maging Katoliko at noong March 31, 1521 ay ginanap ang kauna-unahang Catholic Mass sa Pilipinas. Sunod nito ay pumunta na sa Cebu si Magellan at nakilala ang hari ng Cebu na si Rajah Humabon. Nagkasundo ang dalawa pero ang hari ng Mactan na si Datu Lapu-Lapu ay hindi sumang-ayon sa kagustuhan ni Magellan na siyang nag-ugat sa Enter You sen kanilang digmaan o mas kilala bilang Battle of Mactan at doon napatay si Magellan. Pero hindi roon nagtapos ang pananakop ng Espanya. Sa katunayan, sumailalim sa kamay ng mga espanyol ang Pilipinas nang halos 400 taon. Dito nabuo ang ilang himagsikan sa pagitan ng mga Espanyol at Katipunero.


https://www.scribd.com/document/526571374/KASAYSAYAN-NG-PILIPINAS

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Mga kaganapan sa panahon ng Espanyol

EDSA People Power Revolution