EDSA People Power Revolution
EDSA People Power Revolution Ang EDSA People Power Revolution ay isang malaking bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas dahil ito ang nagpabagsak sa rehimeng Marcos. Taong 1986, dalawang araw matapos ideklara ng diktador na si Marcos na siya ang nanalo sa snap elections laban kay Corazon "Cory" Aquino, asawa ng pinatay na si Ninoy, inanunsiyo nina noo'y Defense Secretary Juan Ponce Enrile at noo'y AFP Vice Chief of Staff Fidel V. Ramos ang kanilang pagtiwalag sa rehimeng Marcos. Dumagsa ang mga tao sa kalsada, napuno ang kahabaan ng EDSA ng mga nag- aalsang Pilipino na nananawagang magbitiw na sa puwesto si Marcos. Hinarang nila ang mga sundalong pinadala ni Marcos, may mga lumuhod sa harap ng mga tangke ng sundalo, at namigay ng bulaklak sa mga sundalo. Ang rebolusyon na ito ay mapayapa at suportado ng sambayanan. Lumisan ang pamilya Marcos sa Malakanyang gabi noong February 25, 1986 sakay ng helicopter ng Amerika. Doon nagtapos ang 21 taon pamumuno ni Marcos sa P...