Panahon ng mga Amerikano
Panahon ng mga Amerikano
Nang mapasailalim sa kamay ng Amerika ang Pilipinas ay
itinatag agad nila ang Pamahalaang Militar upang mapigilan ang mga nag-aalsang
Pilipino. Sa ilalim ng mga Amerikano ay may dalawang patakarang itinatag:
Patakarang Pasipikasyon at Patakarang Kooptasyon.
Ang Patakarang Pasikpikasyon ay may layuning masupil ang
nasyonalismo ng mga Pilipino dahil marami pa rin ang nagre-rebelde upang
makakawala sa pananakop ng Amerika. Dito ay ipinagbawal ang pamamahayag lalo na
ang mga balita o artikulong tungkol sa pagsulong sa kalayaan ng bansa.
Ang Patakarang Kooptasyon naman ay para sa mga Pilipino na
nanumpa sa kanilang katapatan sa Pamahalaang Amerikano. Sa ilalim nito ay
binuksan ang Maynila sa pangangalakal at itinayo ang pamahalaang lokal sa mga
lalawigan at bayan. Nagkaroon din ng edukasyon sa panahong ito.
Narito naman ang ilan sa mahahalagang pangyayari noong
panahon ng mga Amerikano na puwede mong gaitin sa iyong kasaysayan ng Pilipinas
ppt:
1901-Dinakip ng mga Amerikano si Aguinaldo; Dumating sa
Pilipinas si William Howard Taft at naging unang U.S. governor ng Pilipinas.
1902-Natapos ang rebelyon
1916-Ipinasa ng U.S. congress ang Jones Law na malaking
bahagi rin ng history ng Pilipinas.
1934-Inaprubahan ng U.S. congress ang Tydings-McDuffie Law
na nangakong magiging malaya ang Pilipinas sa 1946
1935-Sinang-ayunan ng mga Pilipino ang konstitusyong bumuo
sa Philippine Commonwealth kung saan si Manuel Quezon ang itinakdang pangulo.
1941-Sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas at tinalo si Gen.
Douglas MacArthur.
1944-Namatay si Quezon while in exile; Pinalitan siya ni
Vice President Sergio Osmeña; Bumalik si MacArthur sa Pilipinas gaya ng
kaniyang ipinangako.
1945-Napalaya ni Gen. MacArthur ang Maynila at itinatag ni
President Osmeña ang gobyerno.
1946-Pinalaya na ng Amerika ang Pilipinas at si Manuel Roxas
ang ibinoto bilang unang pangulo ng bagong republika ng Pilipinas.
Ctto picture:https://www.quora.com/What-was-the-Philippines-like-as-a-US-colony
Ctto Info: https://www.scribd.com/document/526571374/KASAYSAYAN-NG-PILIPINAS
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento