Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2024

EDSA People Power Revolution

Imahe
  EDSA People Power Revolution Ang EDSA People Power Revolution ay isang malaking bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas dahil ito ang nagpabagsak sa rehimeng Marcos. Taong 1986, dalawang araw matapos ideklara ng diktador na si Marcos na siya ang nanalo sa snap elections laban kay Corazon "Cory" Aquino, asawa ng pinatay na si Ninoy, inanunsiyo nina noo'y Defense Secretary Juan Ponce Enrile at noo'y AFP Vice Chief of Staff Fidel V. Ramos ang kanilang pagtiwalag sa rehimeng Marcos.   Dumagsa ang mga tao sa kalsada, napuno ang kahabaan ng EDSA ng mga nag- aalsang Pilipino na nananawagang magbitiw na sa puwesto si Marcos. Hinarang nila ang mga sundalong pinadala ni Marcos, may mga lumuhod sa harap ng mga tangke ng sundalo, at namigay ng bulaklak sa mga sundalo.   Ang rebolusyon na ito ay mapayapa at suportado ng sambayanan.   Lumisan ang pamilya Marcos sa Malakanyang gabi noong February 25, 1986 sakay ng helicopter ng Amerika. Doon nagtapos ang 21 taon pamumuno ni Marcos sa P...

Batas Militar

Imahe
       Batas Militar sa Pilipinas   Taong 1972 ay idineklara ng noo'y pangulo na si Ferdinand Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas. Pinamunuan niya ang Pilipinas sa loob ng dalawang dekada. May magagandang naidulot daw ang Batas Militar sa bansa pero para sa marami, ito ay isang bangungot.   Dahil sa pinirmahan niyang Proclamation 1081, nagkaroon siyang kapangyarihang kontrolin ang iba't ibang sangay ng pamahalaan kung saan maraming Pilipino raw ang nawalan ng karapatan. Walang kalayaang magpahayag ang mga Pilipino noon. Ang mga tumaliwas sa gobyerno, inabuso at pinahihirapan.   1965-Nanalong presidente si Ferdinand E. Marcos   1972-Idineklara ni Marcos ang Batas Militar   1981-Natapos ang Batas Militar   1983-Bumalik sa Pilipinas mula sa kaniyang exile ang pinuno ng oposisyon na si Benigno "Ninoy" Aquino at pinatay paglapag sa noo'y Manila International airport. Ctto picture:https://philippineculturaleducation.c...

Panahon ng mga Amerikano

Imahe
  Panahon ng mga Amerikano   Nang mapasailalim sa kamay ng Amerika ang Pilipinas ay itinatag agad nila ang Pamahalaang Militar upang mapigilan ang mga nag-aalsang Pilipino. Sa ilalim ng mga Amerikano ay may dalawang patakarang itinatag: Patakarang Pasipikasyon at Patakarang Kooptasyon.   Ang Patakarang Pasikpikasyon ay may layuning masupil ang nasyonalismo ng mga Pilipino dahil marami pa rin ang nagre-rebelde upang makakawala sa pananakop ng Amerika. Dito ay ipinagbawal ang pamamahayag lalo na ang mga balita o artikulong tungkol sa pagsulong sa kalayaan ng bansa.   Ang Patakarang Kooptasyon naman ay para sa mga Pilipino na nanumpa sa kanilang katapatan sa Pamahalaang Amerikano. Sa ilalim nito ay binuksan ang Maynila sa pangangalakal at itinayo ang pamahalaang lokal sa mga lalawigan at bayan. Nagkaroon din ng edukasyon sa panahong ito.   Narito naman ang ilan sa mahahalagang pangyayari noong panahon ng mga Amerikano na puwede mong gaitin sa iyong ...

Mga kaganapan sa panahon ng Espanyol

Imahe
    1872-Pinatay ang tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora o mas kilala bilang GomBurza.   1892-Itinalaga ni Jose Rizal ang La Liga Filipina na malaking bahagi rin ng history ng Pilipinas.   1896-Pinunit ng mga Katipunero ang kanilang mga cedula at sabay-sabay sumigaw laban sa Espanya, na ngayo'y kilala bilang Cry of Pugadlawin.   1897-Nagtatag ng bagong republika si Heneral Emilio Aguinaldo sa Biak-na-Bato sa Bulacan.   1886-Inilathala ni Jose Rizal ang kontrobersiyal na nobela tungkol sa karahasan ng espanya. Ito ang Noli Me Tangere (The Lost Eden) at El filibusterismo (The Reign of Greed) noong 1891.   1896-Binaril si Dr. Jose Rizal   1898-Pinasabog ang American warship Maine sa Havana harbour na nag-ugat sa Spanish-American war   1898-Itinatag ni Emilio Aguinaldo ang Malolos Congress sa Bulacan idineklara ang kalayaan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite. ...
Imahe
 Ang history ng Pilipinas ay nagsimula milyon-milyong taon na ang nakalilipas. Ayon sa "Evolution Theory" ng anthropologist na si Felipe Landa Jocano, nagkaroon ng ebolusyon ang mga unang nanirahan sa Pilipinas. Cagayan Man ang pinaniniwalaang unang taong nanirahan sa bansa.  Sa Palawan naman natagpuan ang Tabon Man na isang halimbawa ng Homo Sapiens. Isa ring teorya tungkol sa kasaysayang Pilipinas tagalog na pinagmulan ng mga Pilipino ay ang "Migration Theory".  Ayon kay Henry Beyer, nagkaroon ng migrasyon ang mga pangkat etniko mula sa iba't ibang panig ng mundo. Ang sinaunang tao raw sa Pilipinas ay mga Negrito o Ita na bahagi ng lumang bato na mula sa Timog na dumaan sa Palawan at Borneo.  Pangunahing kabuhayan nila ay pangangaso. Ang ikalawa raw na taong nanirahan sa Pilipinas ay mga Indones mula sa Timog-Silangang Asya.  Sila ang pinaniniwalaang unang pangkat na gumamit ng balangay o bangkang kahoy.  Ang mga Malay naman ang sinasabing sumunod na nani...